Salamat sa ARAW Contingent

Noong nakaraang taon ay marami ang napinsala ng bagyong Yolanda. Marami ang nawalan ng mahal sa buhay, hindi lang ari-arian. At dahil dito, maraming kababayan ang tumulong. Mayaman at mahirap ay nag-ambag-ambag para sa pangangailangan ng mga kababayan. Hindi lang mga Pilipino ang tumulong sa kapwa Pilipino ~ dahil nakita ng buong mundo kung gaano napinsala ni bagyong Yolanda ang Tacloban, mga bayan sa Leyte, Cebu, Iloilo at iba pa.

Isa na ang bansang Korea sa mga nagbigay ng agarang panlunas. Maraming Koreano dito mismo ang nag-ambag-ambag. May mga bata na nagbigay ng barya sa alkansiya at mga korporasyon na nagbigay ng tulong pinansiyal at nagpadala ng mga tao nila mismo.

Noong nakaraang taon, agad ipinanukala ni Jasmine Lee na patuloy na tulungan ng bansang Korea ang Pilipinas para sa rehabilitasyon ~ kagaya ng ginawa nila sa bansang Haiti noong napinsala ito ng lindol. Hindi na nagdalawang-isip ang mga kongresista sa Korea na pirmahan at gawing batas ang panukala. Hindi na rin inisip ng Jasmine Lee na baka may tumutol ~ ngunit dahil sa likas na matulungin ang mga Koreano ay sinuportahan din ito ng mga mamamayan. Dahil sa batas na ito ay nagpadala ng mga sundalo ang Korea at tinawag silang ~ ARAW Contingent. Mag-iisang taon na ang ARAW Contingent sa Pilipinas at marami na silang nagawa ~ mula sa pagkukumpuni ng mga bahay at paaralan hangang sa pagbibigay pugay sa mga Pilipinong sundalo na tumulong noong may giyera sa Korea.

Maraming salamat kay Jasmine Lee, sa mga kongresista ng Korea, sa mga mamamayan ng Korea at sa ARAW Contingent. Nakakatuwa na makita ang dalawang bansa na malapit sa puso ko na nagtutulungan.

Panoorin ninyo po sana ang video na ‘to…

4 thoughts on “Salamat sa ARAW Contingent

    • December 24, 2014 at 1:21 pm
      Permalink

      Thanks!

      Reply
      • January 6, 2015 at 12:24 am
        Permalink

        My wife Teresita D Gabriel is working way from me. She has no Mobile phone now. We lost contact. I am scary about her. If something happen to my wife, Because she is not calling me for last 12 days. So if anybody see my wife please call me 010-8691-3227. Information will be highly appreciated. I will be grateful to him/her for all the life. Thanks,

        Reply
  • January 31, 2015 at 12:49 am
    Permalink

    hi!^^ i’m from Tacloban City and i joined one of the contests from Korea which is entitled “To me, Korea is…” (i think i’ve read one of your post about that contest ^^) and the video i used to enter the contest is about the ARAW Contingent 🙂 i’m one of the Bronze winners and this is the link to the video if you’re interested. https://www.youtube.com/watch?v=JBmZmsZjEc8 God Bless Korea and Philippines!! ^o^

    Reply

Leave a Reply

%d bloggers like this: