Linggo sa Hyewha

Kung ikaw ay isang Pinoy na nasa ibang bansa, siguradong isa sa pinaka-miss mo ay ang pagkain. Hindi naman dahil sa hindi masarap ang mga putahe, chichiriya at kung ano pang makakain sa bansang kinalulugdan mo ngunit ang pagkain ng mga bagay na galing Pinas ay nagpapaalala at nagpapalapit sa ‘yo sa bansang kinalakihan mo.

Dito sa Korea, lalo na sa Seoul, nagkikita sa mata ang mga pinoy tuwing linggo. Karaniwan ay tumutuloy sa simbahan para makinig ng Misa. Ang iba naman ay nagtutungo sa Metrobank para magpadala ng pera. At syempre pa karamihan ay pumupunta kung saan makakabili ng mga pagkain na galing Pinas. Pinakakilala rito ay ang Hyewha-dong sa Seoul. Meron din sa Incheon at sa Namdaemun ngunit mas maraming nagpupunta sa Hyewha.

Ang Tagalog na Misa sa may simbahan ng Hyewha ay nagsisimula ng ala-una y media ng hapon hanggang alas-tres. Ngunit umaga pa lang ay marami ng tao rito. Karaniwan ay dumarating sa pamamagitan ng “subway” sa linyang asul (Line 4) sa istasyon ng Hyewha. Ang iba naman ay nagbu-bus at meron ding nagpupunta ng naka-kotse. Ang aming tinitirahan ay malapit sa Hyewha. Ang aming apartment ay nakatayo sa bundok na “Naksan” kung tatawagin at ang Hyewha-dong ay nasa kabilang paanan ng Naksan.

Bagamat pwedeng lakarin ang Hyewha mula sa aking tinitirahan, mabibilang sa kamay ang iilang beses na ipinunta ko rito. Nahulaan ninyo, hindi ako madalas magsimba 😀 Isa ring dahilan ay dahil natitiis kong hindi bumili ng pagkaing pinoy dito dahil sa taas ng presyo. Pero hindi rin talaga maiiwasan na ma-miss ang ilan rito. Makakabili ka rin ng mga babasahin mula sa Pinas, “phone card” na pantawag at syempre pa, mga piratang VCD at DVD :D. Taga lang talaga ang presyo.

Goldilocks cassava cake (isang hiwa 2,000 KRW, isang buo 10,000 KRW); Boy Bawang (isang plastic 2,500 KRW); munggo (3,000 KRW maliit, 5,000 KRW ang malaki); meron ding bangus, tuyo, bihon at keso

Pinoy goods sa Hyehwa
Pinoy goods sa Hyehwa
Turo-turo
Turo-turo
Fiesta kung saan may Pinoy
Fiesta kung saan may Pinoy
Munggo, chicharon at iba pa
Munggo, chicharon at iba pa

10 thoughts on “Linggo sa Hyewha

  • August 10, 2005 at 1:19 am
    Permalink

    hi betch,

    salamat sa pagdaan sa photoblog ko, dahil dun, natagpuan ko tulay ang iyong munting tahanan sa kalawakan(cyberspace). nakakaaliw naman yung kwento at mga larawan mo rito, lalo na yung extraderm, nyahaha! at dun sa unang larawan, sa gitnang-kanan, sinigang mix yun di ba? hehe! dito sa edmonton, intsik at vietnamese stores ang karamihang nagtitinda ng mga produktong pilipino. pero meron din namang ilan-ilang maliliit na tindahang pinoy, kaso nga lang mas mahal ang tinda nila. kaya pasensyahan na lang, dun na lang kami sa hindi pinoy na tindahan kasi mas mura eh. pero nakakamangha dyan, kasi nakaka-abot ang goldilocks, meron na bang jollibee dyan? =)

    Reply
  • August 10, 2005 at 9:38 pm
    Permalink

    suwerte pa rin pala kami… lam ko pwede ka bumili ng pinoy goods sa amazon… try mo!

    Reply
  • August 15, 2005 at 6:20 pm
    Permalink

    nag iwan sa akin ng magandang alaala ang hyewadong esp yung simbahan ng mga pilipino, minsan hindi na makapag simba dahil nalasing ng soju at korean beer at masarap na pulutang pinoy sa tindahan sa tabi ng simbahan. maraming mga pinoy at pinay na tnt na nakilala at mga drama at istorya ng buhay nila bakit sila nagkaroon ng couple again. dahil sa kahirapan at lungkot na di matiis ng ating kababayan, mapait man ang naging karanasan life must go on. life is short play hard. naglaro din ako sa liga ng basketball diyan sa team ng saint apolonia. isang pagbalik tanaw ng kahapon sa korea.

    Reply
  • August 21, 2005 at 9:08 am
    Permalink

    salamat sa pagbisita mang leonard… mapait o “masarap” man ang ating naging karanasan, yan ang bumubuo ng ating pagkatao, di po ba? bilib talaga ako sa mga kababayan natin, hindi inaalintana ang lungkot para sa magandang kinabukasan ng pamilya…

    Reply
  • June 20, 2006 at 9:54 pm
    Permalink

    hello, po! i found your site while i was surfing for info on korean drama. well, as you probably know, the korean wave has hit the philippines and i’m one of the victims! =) anyway, marunong na po ba kayo magkorean? i want to learn. if only so i could translate what the characters are saying in the dramas. also, i noticed that you have posts on jobs. what about english teachers? may mga openings po ba? i’m planning to take my masters po kasi. iniisip ko po kung english….anyways, sana po makapunta ko sa korea. gusto kong sumakay don sa nam san??? cable? ung sinakyan ni kim sam soon 🙂 Good day po sanyo and God bless you and your family.

    Reply
  • October 14, 2007 at 8:52 pm
    Permalink

    di good yan sa health mo kht pagkaing pinoy masarap tlga d pwede chichirya and everything magkasakit p you ehj…………………………………………………………………………………………………………………… bhla u bka u sakit care your body ha and sana wag n kulit good bless

    Reply
  • October 29, 2007 at 12:39 pm
    Permalink

    hi,,im so happy,,i found this site,,well im new here in korea at sobrang miss k n ang mga pgkaing pinoy…my mga filipina akong mga nakilala dito sa haenam,but they so smart although were mgkakababayan ,,tinatalo parin..sobra mahal ng mga tindang pagkaing pinoy.”kahit mahal di matitiis na di bumili ksi pinoy foods is great”

    Reply
  • May 12, 2008 at 1:07 pm
    Permalink

    Halos lahat ng mga pinoy sa ibang bansa laging namimiss ang pagkaing pinoy..kaya’t minsan kapag may umuuwi sa pinas nagpapabili halos sila ng pasalubong..masarap talaga ang pagkaing pinoy..da best!

    Reply
  • Pingback: A month in Seoul | Buhay sa Korea

  • Pingback: Autumn in Seoul: Daehakro

Leave a Reply

%d bloggers like this: